Login via

The Fall of Thorns 2: Austin McClennan novel Chapter 2

MAGGY smiled inwardly. Naramdaman niya ang paghinto ng kotse ni Austin. Ilang sandali pa ay narinig niya ang tunog na na para bang mula sa binuksang gate. Mayamaya pa ay muling umandar ang sasakyan at muli ring huminto kasabay ng pagpatay ng binata sa makina niyon. Binuksan nito ang pinto sa gawi nito. Narinig niya ang pagbati ng katulong dito na sumalubong sa kanila.

“Pakihanda ang guest room, Esmeralda. Someone will be sleeping there tonight,” puno ng authority na sinabi ni Austin bago narinig ni Maggy ang pagbukas naman ng pinto sa gawi niya.

Nagkunwari pa rin siyang tulog. Bukod sa kanyang anyo, ang husay sa pag-arte ay isa sa mga bagay na namana niya sa kanyang ina. Miyembro siya ng drama club noong kolehiyo. Her mother used to be a theatrical actress. Doon ito nakilala ng kanyang ama, nang magpunta ang grupo ng kanyang ina sa Manila sa kauna-unahang pagkakataon para magtanghal sa isang theater doon ay nagkataong isa ang ama sa mga nanood. Napilit ito ng Tito Roman niya, ang ama ni Clarice, na manood noong kasalukuyan pang nililigawan ng huli si Carla, ang unang pag-ibig ni Benedict.

Dahil alam ni Roman na mababagot lang sa mga ganoong uri ng palabas ay isinama nito roon ang kanyang ama na matalik na kaibigan nito. Simula noon ay hindi na raw tinantanan ng kanyang ama ang kanyang ina. Kumirot ang puso niya sa naalala.

Napakaraming bagay na ipinagkait ng matandang McClennan sa kanila ng kapatid sa nakalipas na halos labing-anim na taon. Kay tagal nilang nagdusa ni Yalena nang dahil lang sa pagiging sakim ni Benedict. Mabuti pa si Clarice, kahit pa bumigay ang katinuan ng ina nito dahil sa mga nangyari noon ay buhay pa rin naman iyon at nakikita nito hindi tulad nila ng kakambal. Sabay na namatay ang mga magulang nila.

Nahinto sa pag-iisip si Maggy nang maramdaman ang maingat na pag-alis ni Austin sa kanyang seat belt. Ilang sandali pa ay binuhat siya papasok sa nahulaan niyang tinutuluyan nito. She tried hard to keep her breathing steady. Pero hirap na hirap siyang gawin iyon dahil langhap na langhap niya ang swabeng amoy ng binata. Damang-dama niya rin ang malalapad at matitigas na dibdib nito, palatandaang alaga sa ehersisyo ang katawan nito. Napatunayan niyang naiiba ito sa mga nerd na lalaking nakilala niya na noon.

Una sa lahat ay elegante pa ring manamit ang binata, mahusay ito kung magdala ng sarili. Kahit banayad ay puno rin ng authority ang boses nito kung magsalita. And he showed pure strength by the way he carried her. Ramdam ni Maggy ang muscles ng binata sa magkabilang braso na para bang kay gaan lang niya kung buhatin nito.

Ang nagpapatunay lang sa mga balitang geek ang binata ay ang salamin nito sa mga mata na lalong nagpamukhang intelihente sa anyo nito. Pati na ang lifestyle nito, malayo sa outgoing pareho na mga kapatid nito. Isa sa mga naibigay sa kanyang bahagi ng research ni Radha ay ang mismong sikat na babasahing pambabae kung saan na-feature ang mga anak ni Benedict halos kalahating taon na ang nakararaan.

According to Alano’s words there, Austin despised loud places, dahilan para bihira umanong sumipot ang huli sa mga mahahalagang pagtitipon na isinasagawa ng kompanya ng mga ito. Bukod din daw sa opisina nito ay ang library ang pinakapaboritong lugar sa mundo ng bunsong kapatid nito.

Ilang sandali pa ay umakyat ang binata sa hagdan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa pumasok ito sa isang kwarto. Marahang inihiga siya nito sa isang malambot na kutson. Strategy is indeed, the key, naisaloob ni Maggy. Dahil nakapasok na siya sa mansiyon ng mga McClennan nang walang kahirap-hirap. Alam niyang sa bahay na iyon din tumutuloy sina Ansel at Austin. Dati ay naroroon din si Alano pero bumukod ito nang makapag-asawa.

Nagkunwari siyang naalimpungatan nang tangkang bibitiwan na siya ni Austin. Dahan-dahang ibinukas ni Maggy ang kanyang mga mata. Sinikap niyang huwag maapektuhan sa mga matang iyon na para bang mga mata mismo ni Benedict na nakatitig sa kanya.

Focus, Maggy. Focus. Ipinaikot niya ang mga braso sa batok ng nasorpresang binata na kay lapit lang ng mukha sa kanya dahil nananatili pa rin ang isang braso nito sa kanyang likod. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito.

“Hello,” aniya sa namamaos pang boses.

“Ah, hi. I’m glad you’re finally…” Para bang tulirong tumikhim ang binata. “Awake.” Inalis ng binata ang braso nito sa kanya. Napatitig ito sa mga labi niya at sunod-sunod na napalunok. “How are you… feeling now?”

A knowing smile appeared on Maggy’s lips. Bahagya niyang iniangat ang katawan, mayamaya ay inabot ang mga natural na mapupulang labi ni Austin at hinalikan. Sandali siyang sinorpresa ng mga labi nito. Ilang beses na rin siyang nahalikan noon ni Levi pero hindi kasinlakas ng epekto ng halik ni Austin. The effect of his lips against hers was… mind-blowing. Naramdaman niya ang pagtugon ng malalambot na labi ng binata nang mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla.

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan