NAIBABA ni Austin ang hawak na wineglass nang sa pag-angat niya ng mukha ay masilayan ang kapapasok pa lang na dalaga sa Italian restaurant kung saan siya kasalukuyang kumakain nang gabing iyon. Kaagad na kumabog ang dibdib niya. God, he had missed that face.
Ngayong wala nang bakas ng kalasingan sa anyo ng estranghera ay mas lalo itong nagmukhang kaakit-akit. Puting bestida ang suot nito na umabot lang hanggang kalahati ng mga hita. Nakalugay lang ang kulot-kulot na buhok nito. Katulad ng dati ay hubad sa makeup ang mukha pero lutang na lutang pa rin ang angking ganda. She looked so sure of herself as she walked in. Her confidence only made her even sexier.
Sandaling iginala ni Austin ang tingin sa paligid. Katulad niya ay halata rin ang pagkamangha ng mga kalalakihang kumakain doon na nakatutok ang mga mata sa kapapasok lang na dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kung anong selos. Now that he had seen the woman again, he became a hundred percent sure that he liked the woman for his self only, dahilan kung bakit ilang araw na siyang parang sirang nagpapabalik-balik sa bar kung saan sila unang nagkita, umaasang mapapadaam ito roon pero madalas ay bigo siyang makita man lang ang dalaga.
Now that he had a taste of her lips, he realized that he had missed her lips as well. He had yearned to kiss them for days now. Ilang gabi na siyang walang matinong tulog sa kaiisip sa dalaga at kung magpapatumpik-tumpik pa siya ay hindi malabong maunahan siya ng iba.
Mabilis na tumayo si Austin nang papadaan sa mesa niya ang dalaga. Ngumiti siya rito pero umawang ang bibig niya nang lagpasan lang siya nito. Nang makabawi ay hinabol niya ito at pinigilan sa braso.
Kunot naman ang noong nilingon siya ng dalaga.
“Yes?” pormal na tanong nito.
“H-hi.” Tumikhim si Austin para alisin ang namuong bara sa kanyang lalamunan. Bakit ba bigla siyang kinabahan? He was suddenly acting like a schoolboy in front of his crush! Get a grip of yourself, McClennan, paalala niya sa sarili bago muling ngumiti. “Hindi mo na ba ako naaalala? Ako si Austin McClennan, nagkakilala tayo sa Baron’s eleven nights ago. You were so drunk that you passed out.” Right after you slapped me. “So I brought you to my house and then you...” Kissed me and slept on me which gave me sleepless nights, you see. “Just left afterwards.”
“Oh,” para bang nasorpresa na sagot ng dalaga bago ngumiti.
Bumilis ang kanyang paghinga. Buong araw na masama ang timpla ni Austin. Nagkasunod-sunod ang mga kinailangan niyang asikasuhin sa minahan ng pamilya. Nagkaproblema sa water system nila roon na kakailanganin sa pagmimina. Ini-report niya pa iyon sa mga board members na siya ring mga kapatid niya at kay Alejandro, ang nagmamay-ari ng twelve percent shares sa McClennan Corporation.
Si Austin lang ang solong nangangasiwa sa minahan, si Alano sa langis at si Ansel naman sa electricity. Strict ang panganay na kapatid niya pagdating sa problema sa mga pinamamahalaan nilang magkakapatid kaya kailangang nalalaman nito at ng iba pang board members ang mga nangyayari sa ipinamana sa kanilang negosyo ng ama.
Pero sa oras na ngumiti ang estranghera, pakiramdam ni Austin ay bigla na lang umaliwalas ang lahat. Nakadagdag sa hindi magandang mood niya ang frustration dahil hindi niya makita-kita ang dalaga. Pero ngayon na nasa harap niya na ito, pakiramdam niya ay isa-isang nag-alisan ang kanyang mga alalahanin. Kailangan niya ng ngiting iyon pagkatapos ng maghapong kapaguran sa trabaho. That’s why he was glad that he had seen that smile just when he needed that smile the most.
“Ang ibig bang sabihin ng ngiti mo na `yan ay naaalala mo na ako?”
“Oo naman. How could I forget my enemy’s exact replica?” ganting-tanong ng dalaga.
Nagsalubong ang mga kilay ni Austin. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Biro lang.” Nagkibit-balikat ang estranghera. “Natatandaan ko na nabanggit ko sa `yo nang gabing ‘yon na kahawig mo ang ex ko.” Mayamaya ay lumitaw ang para bang nahihiyang ngiti sa mga labi nito. “Pasensiya na nga pala kung umalis ako nang hindi man lang nakakapagpaalam sa `yo. Nahiya kasi ako sa mga nangyari. I’ve caused you so many troubles that night. Kung may paraan para makabawi ako sa `yo, babawi ako.”
Kumislap ang mga mata ni Austin. “Really?”
“Really.” Tumango pa ang dalaga.
“Well, there are a couple of things you can do. I mean, you’re right. You really did cause me troubles that night.” Dahil wala na akong maayos na tulog simula nang makita kita. You had me searching for you for more than a week now. Hindi ko na naaabutan ang Nat-Geo sa kahahanap sa `yo. Paulit-ulit din akong bumalik sa bar sa pag-asang makikita ka kahit na sandali. I didn’t even know I could stand being in that place for hours just waiting for you to show up. Pero iba sa iniisip ang lumabas sa bibig ni Austin. “One, you can dine with me. May hinihintay ka ba?”
“Wala naman.”
Yes! “All right.” Inalalayan ni Austin sa siko si Maggy pabalik sa kanyang mesa. Ipinaghila niya ito ng upuan. Nang parehong makaupo na ay pinakatitigan niya ang dalaga. “I haven’t gotten your name yet.”
“I’m Maggy. Maggy De Lara.”
“Are you still single? Dating? Or...” Napahinto si Austin nang makita ang amusement na bumakas sa anyo ng estrangherang Maggy pala ang pangalan. Nag-init ang mukha niya. Hindi niya pa nasubukan ni minsan ang gumawa ng hakbang para kilalanin ang isang tao. Kaya hindi niya alam kung ano ang mga tamang sabihin ngayon.
Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi niya maiwasang hilingin na sana ay tulad siya ng mga nakatatandang kapatid na sanay pakitunguhan ang mga babae. Heck, compared to his brothers, he was indeed, a nerd. Bihira siyang lumabas at lalong bihira siyang makihalubilo sa tao. His form of relaxation was reading or watching anything that involves the Earth’s structures and features. No matter how he hated to admit it, he realized that he was proving to be a very boring man.
“Pasensiya ka na.” Napahawak si Austin sa kanyang batok. “Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay. But Maggy, I like you from the very first time we met,” matapat niyang sinabi. “Alam ko na masyado pang maaga para dito pero alam ko rin na kung hindi ko sasabihin ang mga salitang ito ngayon, baka hindi na ako magkaroon pa uli ng pagkakataon—”
“Austin, relax.” Bahagyang natawa si Maggy. “Yes, I’m still single. And no, I’m not dating anyone right now. I told you, my ex and I just broke up—”
“I promise I won’t be a complication,” mabilis na sinabi ni Austin. “But I’m urging you to take a chance on me. Hayaan mo sana akong mapalapit sa `yo. Hindi kita sasaktan o iiwan `di tulad ng ex mo—”
“Paano kung ikaw ang saktan ko in the process?”
Natigilan si Austin bago dahan-dahang ngumiti. “It’s a risk I have to take, then. As they say, no pain, no gain.”
I think I’m going to need kuya Alano’s advice. Lots of them.
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan