Login via

The Fall of Thorns 2: Austin McClennan novel Chapter 5

“HOW DID you... Ah, find our first date, so far?”

Umangat ang mga kamay ni Maggy pahaplos sa mga pisngi ni Austin. Sinalubong niya ang natulirong asul na mga mata nito. Hanggang leeg nito ang taas niya kaya hindi siya nahirapang abutin ang binata. Namana nila ni Yalena sa kanilang ama ang taas nila kaya hindi siya alangan sa anim na talampakang taas ni Austin.

“I had... A wonderful time. Thank you.” Hinalikan ni Maggy si Austin sa gilid ng mga labi nito. “Good night, Austin.”

Hindi niya na nagawang sagutin ang mga sinabi ng binata sa library dahil tinawag na sila ng mayordoma roon para mananghalian. The whole time that they were together, Austin had been a complete gentleman. Inikot siya nito sa buong mansiyon. Tumambay rin sila sa entertainment room at nanood ng replay ng Nat-Geo.

Ang totoo ay wala naman talagang pakialam si Maggy sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa mundo. Ang maisakatuparan ang plano niya ang tanging mahalaga lang sa kanya. But she was amused by the fascination in Austin’s eyes as he watched on the big screen.

Kung tutuusin ay hindi talaga maiko-consider na date ang nangyari. Iginala lang siya ng binata sa mansiyon ng pamilya nito, pinakain at pinanood ng isang bagay na wala siya anumang interes. But within a few hours, Austin was able to reveal to her who he truly was.

Imposibleng hindi maging komportable sa binata ang sino mang makakasama nito dahil napakanatural nito at walang halong ere sa katawan. And his words never fail to make sense, no matter how she hated to admit it.

“I want to get to know you better, Maggy,” naalala niyang sinabi pa ni Austin habang nasa veranda sila at nagpapahangin. “And I swear I will do that... In the following days to come.”

“Paano kung sa kabila ng mga efforts mo na kilalanin ako, hindi ka pa rin makapasok sa puso ko?” nananantiyang tanong ni Maggy. “Baka masaktan ka lang.”

Hinawakan ni Austin ang mga kamay niya. “I have always believed in doing something with all your heart and praying with all your soul. That was the reason why I succeeded the past years.”

“You pray?” gulat na tanong niya.

“Oo naman. Me and my brothers do pray.” Nagkibit-balikat ang binata. “Tinuruan kami ni Mama. She made us believe that there is Someone higher than all of us. Kaya naniniwala ako na kapag nakita Niya na seryoso ako sa `yo, who knows?” Kinindatan siya nito. “Baka ang pag-oo mo ang iregalo Niya sa ‘kin sa pasko.”

Napalunok si Maggy. She never thought that Austin can be playful, too. And that moment, for some reason, she found him adorable.

“All right,” sabi nito nang sa wakas ay makabawi. Lumayo na siya rito. Hindi nakaligtas sa kanya ang paggalaw ng Adam’s apple ng binata. “I guess I’ll just... see you, tomorrow?”

Ngumiti lang si Maggy at tumango. Tumalikod na si Austin at para bang nagmamadaling humakbang palayo samantalang siya ay nanatili sa kinaroroonan at pinanood ang binata. Mayamaya ay nasorpresa siya nang huminto ito sa paglalakad kung kailan malapit na sa elevator. Nilingon siya nito. She smiled once more. He smiled back. But he didn’t turn away again. Sa halip ay mabilis na bumalik ito sa kinaroroonan niya. Agad na humapit ang braso ng binata sa kanyang baywang at bigla na lang siyang siniil ng halik.

Sa simula ay masuyo lang ang halik hanggang sa unti-unting lumalim iyon. Nasorpresang napatitig na lang si Maggy sa nakapikit na anyo ni Austin. Nang bahagyang maduling siya dulot ng suot na salamin nito sa mga mata ay napapikit na lang din siya.

The nerd could really kiss so well. Nabigla pa siya sa apoy na nililikha nito sa kanyang katawan sa simpleng pagdadaiti lang ng kanilang mga labi. Katulad ng unang pagkakataong hinalikan niya ang binata ay kumabog uli ang kanyang dibdib. Austin though unaware, couls make a woman respond to him.

Ilang sandali pa ay tinugon na rin ni Maggy ang halik ng binata sa kaparehong intensidad. And she swore, she felt like everything had stopped. It was only the two of them and the kiss that they were sharing that mattered. And heck, he smells so good. Ilang sandali pa ay kusa ring humiwalay ang binata sa kanya. Idinikit nito ang noo sa noo niya. Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang pinakawalan nito.

“Do you know... That the first time we met, we kissed?” halos pabulong na tanong ni Austin.

“R-really?” hindi pa rin nakakabawi sa nangyari na sagot niya.

“Yes. And since then, I’ve been struggling so hard to sleep.” Ikinulong siya ng binata sa matatatag na braso nito. “I’ve never found a kiss this satisfying before... Until your lips met mine.”

“Bakit mo ginawa `yon? Bakit mo `ko... hinalikan?” wala sa loob na tanong ni Maggy habang patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib. Kasama talaga ang bagay na iyon sa plano niya para mahulog ang binata sa bitag niya pero bakit ganoon ang kanyang reaksiyon? She was willing to go all the way to get what she wanted. So why on Earth does she feel bothered about the kiss? Palibhasa ay iba ang halik na iyon sa naunang pinagsaluhan nila. Pero iisa pa rin ang reaksiyon ng puso niya. Parang nagwawala iyon sa tuwina.

“I believe in the ‘time is gold’ thing. Na kapag may gusto kang gawin, gawin mo na kaagad para wala ka nang pagsisihan pa. Wala ka na dapat aksayahing oras. And kissing you is that one thing that I really wanted to do since this morning. God… Maggy.” Humigpit ang pagkakayakap ng binata sa kanya. “I think I’m becoming crazier about you.”

“STOP the car.”

Nabigla man ay inihinto pa rin ni Austin ang kotse. Iginilid niya iyon sa tapat ng simbahan. Nilingon niya ang dalagang katabi. Nakakunot ang noo nito nang mga sandaling iyon habang nakatitig sa labas ng bintana sa gawi nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Sinundan ng mga mata niya ang tinititigan ni Maggy. Nakita niya ang dalawang bata na naglalaro sa walo hanggang sampu ang gulang na nasa labas ng simbahan hawak ang mga maliliit na basahan. Base sa anyo ng dalawa ay mukhang inilalako ng mga ito ang mga dala at dahil malakas ang ulan ay hindi gaanong makabenta ang mga bata sa mga pampasaherong sasakyan.

Mayamaya ay bumalik ang tingin ni Austin kay Maggy nang nagmamadaling kinuha ang bag nito. Pinigilan niya ang dalaga nang lalabas na sana ito ng kotse. Bigla ang pagragasa ng ulan nang gabing iyon. Sinuwerte na lang silang nakasakay na sa kanyang kotse bago pa man iyon bumuhos. Kagagaling lang nila sa isang restaurant. Mula sa opisina ay sinundo niya ito at niyayang lumabas na agad namang pinaunlakan ng dalaga. Halos ganoon ang set-up nila sa nakalipas na mahigit dalawang linggo.

Dadalhan niya ang dalaga ng mga prutas sa umaga o di kaya ay nagpapaturo siyang magluto sa Kuya Alano niya ng ilang Italian dishes na ayon kay Maggy ay siyang paborito nito dahil naging henyo na ang kapatid sa kusina mula nang makilala ang asawa na nito ngayong si Clarice.

Kahit pa puro pangangantiyaw ang inaabot ni Austin sa kapatid kapag tinatawagan ito ay wala iyong kaso sa kanya. Austin trusted Alano’s cooking skills more than their chef at home. Ilang beses niya na kasing natikman noon ang mga luto ng kapatid, doon niya napatunayang may talento ito roon.

Hindi kumpleto ang umaga ni Austin kapag hindi nakikita si Maggy. Hindi rin kumpleto ang gabi niya kapag hindi ito ang huling nakikita. Sa kabila ng pagod sa maghapong trabaho ay agad na nawawala iyon tuwing nakikita niya ang dalaga. The woman’s smile never ceased to bring wonder to him. Everything felt light when he was with her.

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan