“DO YOU still think about him?”
Napahinto si Maggy mula sa pamimili ng mga damit nang bigla na lang itanong iyon ni Austin. Kunot ang noong nilingon niya ang binatang katabi. Walang makikitang pagkainip o pagkailang sa mukha nito kahit pa ilang boutique na ang pinuntahan nila. Dahil alam niyang ayaw nito sa mga maiingay at matataong lugar ay madalas na nananadya pa siya.
Isinasama niya si Austin kapag nagpupunta siya sa supermarket, kapag nanonood siya ng sine o kaya ay kapag gusto niyang maglakad-lakad lang sa kalsada at ngayon nga ay niyaya niya itong mag-ikot sa mall.
She knew that it was not what she was supposed to do. She should make him desire her more by avoiding the things he didn’t like. Pero ilang araw nang hindi niya mapigilan ang sarili. Gusto niyang makita ang binatang mainis kahit minsan at lumayo sa pagiging mabuti nito dahil ayaw man niya ay naaapektuhan na siya kahit paano ng konsensiya niya.
Austin was too kind for her. Hindi karapat-dapat si Benedict na magkaroon ng isang anak na gaya ng binata. Hindi niya alam na posible pala ang ganoon, na magkaroon ng mala-anghel na anak ang masahol pa sa kampon ng dilim na ama nito.
Noong nakaraang mga linggo lang ay nagprisintang sumama sa kanya ang binata papunta sa ospital kung saan dinala ang lola nina Lily at Maya, ang dalawang batang nakita nila noon na naglalako ng basahan. Nang malaman ni Austin na mayroon pa palang anak ang lola ng mga bata na nagtatahi ng mga basahan na inilalako ng dalawa ay binigyan ng binata ng maliit na negosyo ang mga iyon. Tinupad nito ang tindahang hiling ng lola at tiyahin nina Lily. Ito na rin ang nagprisintang magbigay ng full scholarship sa mga bata sa tulong ng McClennan Corporation.
Sa susunod na pasukan ay makapag-aaral na ang mga bata. Sa ngayon ay nasa bahay na muna ng mga ito sina Lily at tumutulong sa pagtitinda sa bagong sari-sari store habang suma-sideline pa rin sa pananahi ang tiyahin ng dalawa. Ang lola naman nila ay iniuwi na matapos itong matingnan ng doktor na nagbilin lang na kailangang ma-maintain ang mga gamot ng matanda.
Maggy wanted Austin to stop being nice for once. Sa oras na mainis ito at makita niya ang paglabas ng totoong ugali nito ay umaasa siyang lulubayan na siya ng konsensiya niya na panira sa kanyang misyon. Ang mga magulang niyang pinatay ng ama nito ang kanyang ipinaglalaban at hindi iyon ang tamang panahon para umiral ang sundot ng kanyang konsensiya na kailan lang nalaman ni Maggy na meron pa pala.
Pero palagi siyang nabibigo. Dahil mukhang nasisiyahan pa si Austin sa mga ginagawa nila. She would always catch him smiling fondly at her. The warmth and understanding in his eyes were a lot to take most of the times. Tuwing kasama niya ang binata ay paulit-ulit niya itong pinalalabas sa comfort zone nito. But he seemed to be enjoying every bit of it. Damn it.
“Who?” tanong ni Maggy nang sa wakas ay sumagot.
“Your ex.”
Natigilan siya at napatitig sa asul na mga mata ni Austin na hubad na sa salamin nang mga sandaling iyon. Mula nang sabihin niya sa binata na mas bagay rito ang walang salamin ay inalis na nito iyon. Noon niya natuklasang wala naman palang grado ang suot nitong salamin. Totoong malabo daw ang mga mata ni Austin pero luminaw na iyon nang sumailalim ito sa laser surgery bago pa man daw nagpunta sa Pilipinas. Sadyang hindi lang ito sanay na walang salamin kaya nagsusuot pa rin niyon. But then he immediately stopped. Just because of what she told him. She sighed. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kalaki ang epekto niya sa binata.
Dapat ay maging masaya si Maggy. Lahat ay nangyayari ayon sa kanyang mga plano. Mukhang patuloy siyang ginagabayan ng mga magulang. Kung tutuusin ay walang kahirap-hirap na napasok niya ang tahimik na mundo ni Austin. But she could not celebrate completely.
Austin probably had the purest heart that she had ever encountered. May mga pagkakataon na naaalarma siya kapag naiisip na isang araw ay posibleng mabalot ng kadiliman ang puso nito, kadilimang alam niya na nakuha niya mula mismo sa ama nito. The thought that his heart would break scared her at times.
“Maggy?”
Nang hindi pa rin siya makasagot ay mabilis nang nag-iwas ng tingin si Austin. Pero bago iyon ay nahuli niya pa ang paglungkot ng mga mata nito. At hindi siya dapat maapektuhan. But heck, she was. Tatalikod na sana ang binata nang tawagin niya. Wala nang mababakas na emosyon sa anyo nito nang humarap uli sa kanya.
“Naiintindihan kita, Maggy. Huwag mo akong alalahanin. I was just... A little upset. But this will pass.” Ngumiti ang binata pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Hihintayin na lang kita sa labas.”
“Sometimes, I think of Levi when I’m alone,” sa halip ay sagot ni Maggy. Totoo iyon sa loob niya. Paminsan-minsan na lang niya maalala ang dating boyfriend. May kaunting kirot pa rin siyang nararamdaman pero napapalitan iyon nang hindi maipaliwanag na damdamin kapag si Austin ang sumunod na naiisip niya.
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan