NAGISING si Maggy sa sunod-sunod na pagkatok na iyon sa pinto ng kanyang unit. Nang sundan na iyon ng pagtawag sa pangalan niya nang nabosesang si Austin ay nagsumikap siyang tumayo pero sa kanyang pagbangon ay agad rin siyang nahilo. Damn it.
Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan niya bago dahan-dahang humakbang palabas ng kanyang kwarto. Every single step was a struggle. Parang pangangapusan na siya ng hininga nang sa wakas ay mabuksan ang pinto. Sa nanlalabo nang paningin ay nakita niya si Austin. Nakangiti ang binata na mabilis ring naglaho nang mapansin ang kanyang itsura. Kaagad itong lumapit at umalalay sa kanyang likod at braso.
“What’s wrong?” Inilagay ni Austin ang palad nito sa kanyang noo. “God, you’re burning with fever! What have you been doing to yourself?”
Hindi na nakapagsalita pa si Maggy. Namimigat na ang talukap ng mga matang pumikit siya. Bumagsak ang katawan niya sa mga braso ni Austin na mabilis namang sumalo sa kanya. But before she completely succumbed to darkness, she remembered one thing; she was glad he was there with her.
PINAG-AALALA mo ako nang husto, anak.”
Nahinto sa pagsubo ng pagkain si Maggy nang marinig ang seryosong boses na iyon ni Tito Harry. Niyaya siya nitong kumain sa labas dalawang araw bago ang graduation nila nina Yalena at Clarice. Noong una ay nagtaka pa siya dahil siya lang ang niyaya nito pero sa huli ay pumayag na rin siya tutal naman ay may importante raw itong sasabihin sa kanya.
Tuluyan na niyang ibinaba ang kutsara at tinidor saka sinalubong ang butihing mga mata ng tiyuhin. She will forever be thankful to this old man. Kahit ilang beses na nila itong sinabihan nina Yalena at Clarice na mag-asawa ay hindi ito pumayag. Sapat na daw sila para dito. Itinuon ni Tito Harry sa pagtatrabaho bilang nurse at sa pag-aalaga sa kanilang tatlo na mga inampon na nito ang buong atensiyon nito. Harry had served as their shield against the strong winds in their lives. Ngayong magtatapos na sila sa kolehiyo, regalo nila rito ang mga karangalang nakamit nila mula sa pag-aaral.
Nang makarating sila sa Nevada ay takot na takot silang magsimula ng bagong buhay. Hindi niya alam kung paano tatakasan ang sakit na hatid ng nangyari sa mga magulang. Pero hindi niya ipinakita ang nararamdaman. Clarice and Yalena was already a lot to take for Harry. Ang dalawa ang noon ay walang tigil sa pagluha. Ni hindi nagkakain ang mga ito. Si Yalena ay parating nagkakaroon ng mga bangungot patungkol kay Benedict. Madalas ay ang tiyuhin lang nila ang nakakapagpakalma rito. Her sister was always afraid that Benedict might just show up at their doorstep one day and kill them as well.
During those painful times, Maggy had no choice but to pretend that she was strong. Ayaw niyang pati siya ay maging sentro rin ng pag-aalala ni Harry. Kaya kapag wala ang huli, nakaugalian niya nang siya ang papalit sa lugar nito. Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa kakambal at sa kaibigan.
Kaya naman ngayon ay bilib na bilib si Maggy sa dalawa. Sobra pa sa saya ang naramdaman niya nang isang araw ay sabihin ni Clarice na pagkatapos ng graduation nila ay tatanggapin na nito ang alok ng talent manager dito na maging modelo. Dahil nangangahulugan iyon nang paglabas sa wakas ng kaibigan sa comfort zone nito. Pero ang naging desisyon ni Yalena ang mas gumulat kay Maggy.
Ayon sa kakambal ay dederetso na ito sa pag-aaral ng law sa susunod na school year. Sa pagitan nilang dalawa ay siya ang mas malakas ang loob. Kaya nang kumuha ito ng political science ay hinayaan lang nila. Pero para ituloy nito iyon sa law, ang ibig sabihin ay tumatapang na nang paunti-unti ang kanyang kapatid. Kunsabagay ay malakas naman dati ang loob nito na nawala nga lang nang namatay ang kanilang mga magulang.
“Dahil po ba hindi ako naging summa cum laude, Uncle?” Nahaplos ni Maggy ang kanyang buhok nang sa wakas ay makasagot. “I’m sorry. Pero ginawa ko naman po ang lahat ng makakaya ko. I must have failed your expectations.”
“Magna cum laude kang ga-graduate kaya sobra-sobra pa sa inasahan ko ang ibinigay mo, Maggy. Magkakasunod ang magiging graduation ninyo pero wala akong reklamo. Parati ko kayong ipagmamalaking mga anak ko. I want to convince myself that I was able to raise you all well.” Ngumiti si Harry. “Nang humiling ako na magkaroon ng anak, kayo nina Yalena at Clarice ang siyang ibinigay sa akin ng Diyos. And it will be my greatest honor to be the one to put your medals on.”
Kumunot ang noo ni Maggy. “Kung gano’n, ano po ang problema?”
“You never mourned, not even once. Ni hindi ka man lang lumuha. You just hid everything inside and that’s the problem, Maggy. Habang ang dalawa, umiiyak ikaw ay nasa isang sulok at inaabala ang sarili sa pagbabasa ng kung anong libro o sa paggawa ng kung anong bagay. You’ve chaneled all your energy to studying. And that was good, princess. But it will be even better if you just tell me what you feel.”
Inabot ni Harry ang kamay ng pamangkin. “Sina Clarice at Yalena, nakakabangon na pero ikaw, hindi pa. The two have managed to smile somehow but you couldn’t. Mas natatagalan ang paghilom para sa `yo dahil itinatago mo lang ang lahat ng nararamdaman mo diyan sa puso mo. Nag-aalala ako na baka isang araw, sumabog ka na lang at kung ano ang magawa mo.”
Nag-iwas si Maggy ng tingin sa tiyuhin. “Saka na po ako iiyak, saka na rin po ako magluluksa kapag nakasiguro ako na tapos na ang lahat, Uncle.”
“Pero tapos na ang lahat.” Bumuntong-hininga si Harry. “Nangyari na ang mga nangyari. Ipagpasa-Diyos na lang natin dahil wala na tayong magagawa pa—”
“Meron po akong magagawa, Uncle.” Tumalim ang mga mata niya. “Pababagsakin ko si Benedict. Sa oras na lumagapak siya, saka lang po matatapos ang lahat.” Naikuyom niya ang mga kamay. “Karma is not doing its job very well because that person is still alive somewhere. Pero ipinapangako ko, Uncle. Ako, kami nina Clarice at Yalena, ang tatapos sa nasimulan niya. McClennan’s downfall will end everything.”
It took a long while before Harry was able to speak and when he did, horror filled his voice. “Anak, paano kung sa gagawin ninyo, kayo ang bumagsak?”
Naalimpungatan si Maggy nang maramdaman ang malamig at malambot na bagay na dumapo sa kanyang pisngi.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ni Austin na kasalukuyang pinupunasan ang kanyang mukha.
There goes Benedict’s eyes once more, staring warmly at her. Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon ay sinalakay ng matinding sakit ang kanyang puso. Nag-init ang kanyang mga mata dahilan para mariin niyang ipikit ang mga iyon pansamantala.
Nang namatay ang mga magulang ni Maggy, ni minsan ay hindi siya umiyak. Hindi rin siya lumuha nang mawala sa kanya ang Tito Harry niya pati na nang mawala si Levi. But at that particular moment, when illness attacked her and Benedict’s look-alike was the one who greeted her as she opened her eyes; she knew she was so close to crying.
That very day, she had realized that if Benedict had dirty tricks, so was... Life.
KAHIT masama pa ang pakiramdam ay sinikap nang bumangon ni Maggy. Inalis niya ang bimpo na inilagay ni Austin sa kanyang noo. Hindi siya sanay na may nag-aasikaso o tumitingin sa kanya kapag nagkakasakit siya. Mula pa noon ay independent na siya. Ayaw niyang nagpapakita ng kahinaan. Kahit noong nagtatrabaho siya at may dinaramdam ay pumapasok pa rin siya. Dahil alam ni Maggy na sa oras na nanatili siya sa kanyang kwarto ay mabibigyan lang siya ng pagkakataong mag-isip at maalala ang nakaraan dahilan para lalo lang siyang makaramdam ng panghihina.
“Dito ka lang.” Nagmamadaling tumayo si Austin. “I made a soup. Kaiinit ko lang n’on.” Palabas na sana ang binata ng kwarto ni Maggy nang muli itong bumalik. “Don’t move, all right? Kung may kailangan ka, sabihin mo sa ‘kin. Let me take care of you, Maggy. Please.”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 2: Austin McClennan