Login via

The Trouble With Good Beginnings novel Chapter 9

“I’M SORRY, Athan. I’m sorry that I failed you.” Napahugot ng malalim na hininga si Aleron habang pinagmamasdan ang lapida ng kapatid. Huling araw niya na iyon sa pagiging binata. Dapat ay nagpapahinga na lang siya sa mansyon niya pero hindi siya mapakali.

Sa mansyon pansamantalang tumutuloy si Aleron dahil gusto niyang tuparin ang bilin ng mga magulang ni Holly na huwag na muna silang magkikita o magkakalapit ng bride niya bago ang kasal. Bride. Matipid siyang napangiti sa naisip. Wala siyang naging problema sa mga magulang ni Holly. Tinanggap siya ng mga ito ng buong-buo kaya nakokonsensiya siya.

Kinabukasan matapos mag-propose ni Aleron kay Holly ay magkasama na nilang pinuntahan ang mansyon ng mga Lejarde para pormal niyang hingin ang kamay ni Holly sa mga magulang nito. Everything could have been perfect. Ang problema ay hindi niya pa naipagtatapat kung sino talaga siya.

Hindi kilala ng publiko ang mukha ni Aleron Williams. Low-profile siya gaya ng kanyang ama. Hindi pa nailalantad ang mukha niya sa mga pahayagan. At sa bawat pinupuntahan niyang meeting ay sinisiguro niyang ang ka-meeting niya lang ang makakakita sa kanya. Kadalasan ay ang sekretarya niya ang pinadadalo niya sa mga pagtitipon kasama ang ikalawang punong namamahala sa Williams Prime Holdings, Incorporated.

Isang misteryo ang mga Williams kung ituring ng lahat. At mas pabor iyon sa kanya dahil mas malaya siyang nakakakilos ng walang mga matang nakamasid sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi kilala si Aleron ng ama ni Holly na si Alfar Lejarde sa kabila ng pagiging negosyante rin nito. Ang alam lang ng mga ito ay siya ang namamahala ng isa sa mga branches ng Williams Shopping Malls.

Ang plano ni Aleron ay ipagtapat na lang ang totoo kay Holly at sa mga magulang nito pagkatapos ng kasal nila dahil nangangamba siyang iwan siya ng dalaga sa oras na malaman nito ang sekreto niya. Baka iyon pa ang maging mitsa para hindi matuloy ang kasal nila.

Walang problema sa mga papeles sa kasal. Ipina-asikaso iyon ni Aleron sa executive assistant niya. Kapag naipagtapat niya na kay Holly ang lahat pati na ang koneksyon niya kay Athan ay saka niya maipapalipat sa ilalim ng totoong apelyido niya ang mga dokumento. Money had always been the problem-solver when it comes to those matters. Madali niyang masosolusyunan iyon. Plano niya ring pakasalan muli si Holly bilang Aleron Williams kapag nagawa niya nang umamin rito.

Susuyuin niya si Holly hanggang sa mapatawad siya nito sakali mang hindi nito agad matanggap ang lahat. Pero alam niyang mauunawaan siya nito dahil mahal siya nito, malawak ang pang-unawa nito para sa kanya. Nararamdaman niya iyon. Bukod pa roon ay likas ring mabubuti ang mga magulang nito. Katulad na katulad ni Holly ang mga iyon. Those were his plans, na agad ring nagbago pagsapit ng hapon ng araw na iyon. Hindi maipaliwanag ni Aleron ang nararamdaman niya. Siguro ay iyon na ang tinatawag ng ilan na wedding jitters. Ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa mansyon hanggang sa makapagpasya siya.

Pumunta si Aleron sa sementeryo at pagkatapos ay dederetso siya sa town house ni Holly tutal ay naroroon lang daw ito. Kinabukasan pa ng madaling-araw darating ang mga magulang nito at ang mga mag-aayos rito kaya kampante siyang masosolo ang dalaga kahit na sandali. Gusto niya itong makausap at makasama. Gusto niya nang linisin ang konsensiya niya bago siya tumuloy sa simbahan. He will spend all night just to beg for her forgiveness afterwards. Dahil hindi niya pala maatim na humarap sa altar nang may inililihim sa babaeng minamahal.

“I’m sorry that I’m happy, Athan. After what you went through, I know I’m not supposed to feel this way. Pero automatic ang nagiging saya ko kapag nakikita ko si Holly. Mahal ko siya, Athan. Gusto kong paniwalaang nagbago na siya, na hindi niya gagawin sa akin ang mga ginawa niya sa ’yo. Siguro tulad ko, naghihintay rin lang siya ng tamang pagkakataon para aminin sa akin ang tungkol sa ’yo. At sa oras na umamin siya, patatawarin ko siya. Magsisimula kami ng panibago.” Puno ng pag-asang wika ni Aleron.

“Alam ko na mauunawaan niya ako kaya uunawain ko rin siya. I will try everyday to make our marriage work. Holly is a kind woman. And I know, deep in her heart, she had already regretted what she did to you.” Sandali pang inayos ni Aleron ang mga dalang bulaklak bago niya na nilisan ang sementeryo. Nagmaneho na siya papunta sa bahay ni Holly.

KUMUNOT ang noo ni Aleron nang maabutang bukas ang gate sa town house ni Holly. Madilim na nang makarating siya roon. Dere-deretsong pumasok siya. Hindi siya nakakilos nang mabungaran si Holly sa hardin na may kahalikang lalaki. Nakahawak pa ang mga kamay ng dalaga sa mga pisngi ng lalaking iyon.

Nagtagis ang mga bagang ni Aleron. Gusto niyang sigawan ang mga ito pero nawalan na siya ng lakas. Nawalan siya ng tapang lalo na nang manumbalik sa isip niya ang nangyari sa kapatid.

Parang hinahabol ng kung ano na nagmamadaling bumalik sa sasakyan si Aleron at iminaniobra iyon patakas sa lugar na iyon. Nang makalayo-layo na ay saka niya inihinto ang kotse. Kinuha niya sa dashboard ang diary ni Athan at muling binuklat sa isang partikular na pahina na sa kalaunan ay halos tumatak na sa isipan niya.

When I asked Holly to marry me and she said yes, I felt like soaring. Araw-araw, pakiramdam ko ay nasa langit ako. Nagplano na kami kung paano makakausap ang mga magulang niya. Ang sabi ko, hintayin na muna namin sandali na matapos ang mga trabaho ni kuya, na makabalik siya sa Manila at saka kami mamamanhikan. Pero bigla na lang nanlamig sa akin si Holly. Hanggang sa isang araw, may usapan kaming magkikita noon sa bahay na iniregalo ko para sa kanya.

Papunta sana kaming Batanes, that’s the plan. Pero nahuli ko siyang may kahalikang iba. Sinugod ko iyong lalaki. Pero sa lalaking iyon pa siya lumapit at saka niya sinabing tapos na daw ang relasyon namin. Just like that and I was back to hell, back to black. All the beautiful colors were gone in an instant.

Comments

The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings